Gawan ng Paraan

Gawan ng Paraan

Tuwing nagkakaroon tayo ng Annual Inventory isa talaga sa aking tinututukan ay ang area ng wrapper. Binibigyang pansin ko ang mga punit-punit na mga wrapper at itinatabi rin ang mga hindi na mapapakinabangan. Pinipilian ko ang mga may kaunting punit at ginagawan ng paraan katulad na lamang sa pag-cut sa gilid ng mga ito upang matanggal at magmukhang bago at pwede muli ibenta. Ilang araw pa lang ang nagdaan ay nabawasan na ang mga ito. Nabili na ng mga Panauhin sa pinapa-wrap nilang regalo.